Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billie panalo sa kuwela

0 49

NI: ROLDAN CASTRO

Pinasok na rin ni Billie Hakenson ang pag-arte. Siya ay 2020 Miss Universe Philippines fourth runner-up na umaming bisexual.

Panalo siya sa kuwela sa ‘Quizon CT’ o Quizon Comedy Theater’. Ito ang pinakabagong gag show ng NET25 na punong puno ng mga nakakatawa at nakakaaliw na jokes at punchlines. Napapanood siya tuwing Linggo, 8:00 PM.

Literal na pinagsama ang ‘laugh’ at ‘trip’ sa comedy show na ito na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy.

Buong ningning na sinabi ni Billie na na-excite siya sa paghahatid ng aliw at halakhakan.Sagot na nila ang paggulong ng saya at pagsakit ng panga sa katatawa.

Kasama ni Billie ang mga anak ni “King of Comedy” Dolphy, na sina Eric, Epy at Vandolph Quizon.

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon.

Join din sa gag show sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim at Tanya, Charuth . Ang naturang palabas ay sa direksyon nina Eric Quizon at Epy Quizon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.