Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billups, Drew pa-Clippers

0 154

Isinasapinal na ang pag-anib nina former NBA players Chauncey Billups at Larry Drew sa coaching staff ni bagong Los Angeles Clippers coach Tyronn Lue, ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Oktubre nang palitan ni Lue sa puwesto ng Clippers si Doc Rivers.

Tinanghal na 2003-04 Finals MVP Billups, at five-time All-Star ang ngayo’y 44-anyos nang si Billups habang dati namang naupo si Drew, 62, sa mga bench ng Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks.

Umaasa ang team sa trio at sa pangunguna ni stalwart Kawhi Leonard sa floor, makasungkit ang team ng kampeonato sa 75th NBA 2020-21 na magbubukas sa Disyembre. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.