Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billy adik sa NBA card

0 79

Sa vlog ni Julius Babao, nakapanayam niya ang TV host-actor na si Billy Crawford.

Bago ang panayam, ipinasilip muna ni Billy sa batikang broadcast journalist ang kanyang bahay.

Makikita sa bahay niya ang mga parangal na natanggap nito mula noong bata pa siya nang maging miyembro siya ng That’s Entertainment ni Kuya Germs hanggang sa maging international pop sensation siya.

Ipinakita rin niya ang awards na natamo ng kanyang single na “Trackin” sa bansang France, Switzerland, Belgium, Germany at marami pang iba.

Noong 2002, naging platinum awardee ito sa France at noong 2014 ay nasa number 74 ito sa best-selling single of the 21st century ng nasabing bansa.

Nag- number one rin ito noon sa Netherlands, number two sa Belgium, number 3 sa Switzerland at number 20 sa Germany sa music charts.

Ipinasilip din niya ang koleksyon niya ng NBA cards na masasabing isang costly hobby.

Aniya, ang pagiging faney niya ng mga basketball icons tulad nina Lebron James, Kobe Bryant, Michael Jordan at marami pang iba ang naging dahilan kaya na-hook siya sa ganitong hobby.

Ang NBA cards daw niya ay authentic Panini collection.

Ipinaliwanag din niya kung paano kumita sa pangungulekta ng NBA cards at memorabilia kung saan ang rookie card ay puwedeng maibenta ng milyones sa mga hardcore collectors.

Tungkol naman sa fatherhood, wala raw palang kasingsaya ang maging isang ama at hindi niya ipagpapalit ang kaligayahang nararamdaman sa anumang bagay sa mundo.

Sanay na raw siyang magpalit ng lampin at talagang team daw silang mag-asawa sa pag-aalaga kay Baby Amari.

Joey aampunin ang anak ni Winwyn

Sa panayam kay Joey Marquez ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, inalala ng komedyante ang kanyang pinagdaanan noon bago pa man siya pumasok sa showbiz.

Aniya, dahil awang-awa raw siya sa nakikitang sakripisyo ng kanyang ina, naisipan niya noong pumasok na janitor.
Nagawa raw niyang dayain ang kanyang edad para lamang makapagtrabaho bilang janitor sa kagustuhang makatulong sa ina.

Hirit pa niya, ginawa raw niya iyon para mabigyan ng konting ginhawa ang ina.

Sobrang bilib daw kasi siya sa kanyang nanay.

Kahit pa dumarating umano sa punto na wala silang makain, nagugulat na lamang sila kung paano nagkakaroon ng pagkain sa kanilang hapag.

Kaya naman ganoon na lamang ang pagrespeto, pagmamahal at pagmamalasakit sa mga ina ang siyang ipinangangaral niya sa kanyang 16 na mga anak.

SM food to go Banner Ad

Para kay Joey, walang kapantay ang kadakilaan ng isang ina.

Katunayan, nang pumanaw ang nanay niya, ito raw ang huling beses na umiyak ang komedyante.

“‘Yun lang nagpaiyak sa’kin, nanay ko.Sa kanya lang ako umiyak na isang linggo, hindi tumitigil ang luha ko,” aniya.
Ang ina rin daw niya ang kanyang naging karamay niya noong nasangkot siya sa mga matitinding pagsubok sa kanyang lovelife at karera.

Sa ngayon, may mga apo na rin si Joey at may lambing daw siya sa mga anak na sanaý ipahiram ng mga ito sa kanya ang kanyang mga apo para siya ang mag-alaga.

Pero, hanggang ngayon, tila ipinagdadamot pa raw ng mga ito ang kanyang hiling.

Kaya nga naman, kinontrata na raw niya ang kanyang anak na si Winwyn na kung sakaling magkakaasawa o magkakaanak ito ay siya ang mag-aalaga sa magiging ‘baby’nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.