Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billy, Coleen muntik layasan ang Pinas

0 255

ROMMEL PLACENTE: Nag-guest ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia sa show ni Luchi Cruz Valdez na ‘Usapang Real Life’ . Sinabi nila na nagplano na silang mag- abroad, after magsara ang ABS-CBN. Ibebenta na lang daw nila ang kanilang mga ari- arian para sa ibang bansa na lang maninirahan Hindi raw kasi nila alam.ang magiging kapalaran ng kanilang karera sa Pinas dahil sa Kapamilya network lang sila nagtatrabaho. Although, may mga ipon na rin naman ang dalawa, hindi pa rin daw ‘yun aabot lalo na’t may isa na silang anak.

Nagpapasalamat na nga lang ang dating child actor na may dumating na offer sa kanya mula sa TV5 para mag- host ng ‘Masked Singer Pilipinas’ at ‘Loud Out Loud.’ Kaya hindi naman pala natin masisisi si Billy kung nagdesisyon siyang lumipat sa Kapatid network .

Pero naging dahilan ‘yun para tawagin o paratangan siya ng iba na walang utang na loob na hindi naman nila alam ang tunay na dahilan.

MILDRED A. BACUD: Medyo napatanong lang ako mga ka-Cuatros sa sinabi ni Billy sa interview niya kay Luchi.

Sabi niya kasi kaya raw hindi siya hayagang nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN sa kasagsagan ng shutdown issue ay dahil sa ayaw nang ma-stress ang asawang si Coleen Garcia na at that time ay buntis pa lamang.

Ikaka-stress ba ni Coleen kung ipagtatanggol mo lang naman ang network na ilang taon ka ring binigyan ng trabaho.Ang network kung saan nagsimula ang love story nila ng aktres?

Sabi rin niya in touch pa rin siya sa mga kaibigan na nananatiling Kapamilya. Mga taong nasa paligid lamang daw ang naglalagay ng isyu. Sige sabi niya eh which is ok naman kung ganon. Walang friendship ang nasira. Pero hindi mo rin kasi puwedeng balewalain ang source natin na malapit sa kanila. Kung kay direk Bobet Vidanes nga nagawang paringgan sa dati niyang show sa It’s Showtime, hindi imposible nagkaroon ng samaaan ng loob kahit kay Billy.

Pero naiintindihan naman natin si Billy.Sa kabuuan ng interview niya sa nasabing TV show, malinaw na trabaho lang talaga kung bakit nilisan niya ang dating network.Natakot siyang mawalan ng pagkakakitaan lalo’t tatay na siya.Kaya dapat lang hindi siya magkamali sa naging desisyon.

Makabawi sana talaga ang TV 5 sa ratings. Naroon pa rin kasi ang posibilidad na kapag walang nangyari sa kanyang career dito ay maninirahan na lamang sila sa ibang bansa.

SM food to go Banner Ad

RODEL FERNANDO: Ang ginawang hakbang ni Billy Crawford ay katanggap-tanggap. Oo nga naman, kung hindi siya nagdesisyon na umalis sa ABS-CBN ay baka maubos ang kanilang ipon. Hindi rin naman kasi maganda na panay labas ang pera at walang pumapasok. Sigurado namang pinag-isipan niya itong mabuti at nagpaalam nang maayos sa dati niyang network.

Wala na rin siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao na tatawagin siya na walang utang na loob. Mas inintindi niya ang kanyang pamilya na siyang tama. Mabuti na lamang at hindi natuloy ang pangingibang bansa ng kanyang pamilya. Kapag nagkataon mababawasan tayo ng isang magaling na host at performer.

By the way, ngayong lumalaki na ang anak nila ni Coleen ay dapat na rin sigurong pabalikin sa showbiz ni Billy ang asawa. Marami na rin naman kasi ang nakaka-miss sa mestisang aktres. In good shape pa rin naman siya. Kaya pa niyang makipagsabayan kahit sa mga baguhan pa.

Crawford kay Vice: May problema ka ba sa akin?

ROLDAN CASTRO: Ang pagtatrabaho ni Billy sa TV5 ay hindi nangangahulugan na wala na siyang utang na loob sa Dos. Kailangan lang niyang maging praktikal para may maipakain sa kanyang pamilya.

Ang pagtanaw niya ng utang na loob sa ABS-CBN ay mananatili ‘yun sa kanyang puso at isipan.

Pero how true na nagkasagutan sina Vice at Billy sa chat group? Ayon sa kuwento ng source,may patutsada umano si Vice na ang sagot daw ni Billy, “Vice may problema ka ba sa akin?”

May insidente kayang ganoon?

Just asking.

Leave A Reply

Your email address will not be published.