Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billy ‘goodbye’ na rin ang show sa TV5

0 8,985

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos mawala sa ere ang Sunday Night Live sa TV5, malakas ang bulung-bulungan na maggo-goodbye na rin umano sa ere ang noontime show na Lunch Out Loud.

Compilation o replay ng mga nakalipas na episode ang palabas.

Ayon sa source dalawang Saturday umano na The Best ang mapapanood. Kailangan umanong magtipid dahil pag Enero hindi pa pumapasok agad ang budget ng mga advertiser para magpasok ng commercial.

SM food to go Banner Ad

Ganyan din kasi ang nangyari sa SNL na for one season ay nagkaroon din ng replays at walang live episode.

Sey ng mga kibitzer, hanggang ngayon daw ay hindi pa mabawi ng blocktimer producer nitong si Albee Benitez ng Brightlight Productions ang laki ng lugi sa multi-million budgeted MMFF movie na Magikland.

Napasubo rin daw ito sa laki umano ng talent fee nina Piolo Pascual, Maja Salvador.

Tampok sa Lunch Out Loud sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas, KC Montero, Wacky Kiray, Jeff Tam, Laboching at Mark Averilla (aka Macoy Dubs).

Ang Lunch Out Loud ay isa sa pet projects ni Mr.M o Johnny Manahan para sa Brightlight.
Anyway , wala pa namang abiso at masamang balita sa show. As of presstime ay kampante pa sila sa situwasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.