Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billy mag-ober da bakod sa GMA

0 3,640

Maraming artista sa Kapamilya network ang maghahanap ng pugad sa pagsasara ng ABS-CBN 2.

Kailangan nilang magkaroon ng trabaho lalo na sa mga

may hinuhulugang bahay, sasakyan at inaasahan ng pamilya.

Ayon sa source, may pumapadrino na raw kay Billy Crawford para mag-ober da bakod sa GMA 7. Hindi pa malaman ng aming spy kung welcome muli si Billy sa Kapuso network.

Matatandaan na pumirma si Billy ng kontrata sa Viva Artists Agency.

May abiso na kaya ang Viva sa maugong na tsismis na paglipat ng singer-host?

Makabalik kaya si Billy sa GMA 7? Siya ay dating produkto ng That’s Entertainment. Sa Kapuso network din siya unang nagkaroon ng show nu’ng dumating siya galing sa ibang bansa.Ito ‘yung dance reality show na MOVE: The Search for Billy Crawford’s Pinoy Dancers . (ART)

I’m still a Kapamilya -Crawford

NAG-TEXT kami kay Billy Crawford para tanungin siya kung totoo ba ‘yung nakarating sa amin, na kinukuha siya ulit ng GMA 7 . Tuluyan na kasing nagsara  ang ABS-CBN pagkatapos ibasura ng Kamara nu’ng Friday ang application ng franchise renewal nito.

Ang tanging sagot sa amin ni Billy ay nope! Not at all!”

Sinundan namin ang tanong na what if kukunin nga siyang muli ng Siete?

“Medyo mas malaki pa sa network etong problema natin Rom. malaki ang respeto ko sa GMA kasi dun ako nag simula at dun din ako lumaki, never kong kinalimutan yun. mismong sila nakikiramay nga sa mga Kapamilya.

“Nakakataba nga ng puso na makitang nagkakaisa tayo sa panahon ngayon. I’m still a Kapamilya. And I will pray hard for resolutions. Pero one thing that comes before all of this ay ang aking sariling Pamilya, si Coleen at ang aming Anak ang uunahin ko. Yan ang priority ko sa buhay ngayon. That’s my responsibility bilang asawa at bagong ama. “(Rommel Placente)

Leave A Reply

Your email address will not be published.