Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Billy never hihiwalayan si Coleen

0 113

NI: ARCHIE LIAO

Nagbahagi si Billy Crawford ng cute photos niya kasama ang anak na si Amari.

Hindi naman napigilan ng isang netizen na magkomento sa kanyang IG post tungkol sa kanyang relasyon sa asawang si Coleen Garcia.

Sey ng inggit na netizen:”Katagalan pag sinubok kayo ng panahon maghihiwalay din kayo ng mama niyan.”

Related Posts

Agad namang nag-react ang tv host sa komento ng nasabing netizen at binigyan niya ito ng lecture.

“First of all pag ang Panginoon ang na sa gitna ng relationship mo nothing can stop it. Second itong panahon natin ng pandemia nag iisip ka pa ng dagdag negatibo sa mundo,” resbak ni Billy. “May God guide you and keep you and your family safe from harm. Wag kang mag alala ipagdadasal namin ng asawa ko ang kabutihan mo,”dugtong niya.

Umani naman ng batikos sa netizens ang komento ng nagnenegang follower.

Sey naman ng ibang faney ni Billy, mas marami silang nagdadasal na maging matatag ang pagsasama nila ni Coleen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.