Abante Tonite Interactive

Bilmokong dyowa, kinalasan ni cager

0 508

Mahimbing nang nakakatulog at ‘di pinanghinayangan ni basketball superstar ang kanyang pakiki­paghiwalay sa karelas­yon na tulad din ay isang atleta.

Naikuwento ni basketball player na nawalan siya ng masakit na tinik sa kanyang leeg at nakakahinga nang maluwag ang kanyang bulsa pati na rin ang madalas maubos na laman ng kanyang ATM.

Mas kuntento nga­yon at tila nakabawi sa kanyang mga kakulangan sa pamilya si basketball player tapos niyang tuluyang putulin ang pakikipagrelas­yon sa maganda at higanteng girlfriend na paborito ang isang awitin ni Fred Panopio.

Abante Hiring – IT dep

Minsan nang pinakita ni basketball player ang kanyang pagtatangi sa kanyang kasintahan na binigyan nito ng isang mamaha­ling relos.

Pero ‘yun pala ang magiging mitsa upang tuluyang memoryahin ng kanyang girlfriend ang mga kataga sa awiting “bilmoko niyon, bilmoko niyan ha!”

Nagulat si basketball player na ang ginagamit na sasakyan ay isang pick-up, na ‘di na nagkasya sa mamaha­ling relos ang kanyang dyowa kundi nagpapabili na ito ng isang kotse na ‘di lamang simple kundi mamahalin pa o sikat na brand.

Tuluyan nang nagdesisyon si player na mas pagtuunan na lamang ng pansin ang kanyang paglalaro.(Lito Oredo)