Abante Tonite Interactive

Bilyonarya Cynthia Villar hindi alam ang galunggong

2,580

Tahasang sinabi ng bilyonaryang si Senador Cynthia Villar­ na hindi siya pamil­yar sa mga galunggong kaya’t hindi niya pinapahalagahan ang paglobo ng presyo nito sa pamilihan.

Sinabi ito ni Villar, isa sa bilyonaryong miyembro ng Senado, nang maging panauhin sa isang programa ni Karen Davila sa ABS-CBN News Channel.

Tinanong ni Davila si Villar kung sa anong presyo dapat ibinebenta sa pamilihan ang galunggong at kung may price ceiling dapat dito.

“I’m not familiar with galunggong hindi ko naman makita yung importance ng galunggong.” diin ng senadora.

Sa isang ambush interview naman sa Senado noong Martes, pinayuhan ni Villar ang publiko na huwag nang kumain ng galunggong, bagkus ay mag-gulay na lamang.

Bunsod ito ng agam-agam na may formalin­ ang galunggong na aangkatin ng gobyerno.

“Para sigurado na lang, better safe than sorry, huwag na lang tayong kumain ng galunggong,” giit ni Villar.

Ang galunggong ang dating pambansang ulam ng mahihirap na Pinoy, pero ngayon ay pumapalo na ang presyo nito sa P160 hanggang P200, kaya’t marami ang nag-uulam na lang ng instant noodles.

Isa rin ito sa paboritong tanungin sa mga tumatakbo sa national level, kung saan noong 2010 presidential campaign ay sumablay ang kandidato at elitistang si Jamby Madrigal nang sabihin nito sa isang debate sa UP Diliman na P60 lang ang presyo ng bawat kilo ng galunggong.

Isa si Villar sa tatakbo ng reeleksyon sa 2019 senatorial elections.