Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bilyonaryo Jack Ma nawawala

0 124

Kumalat ang mga haka-haka na nawawala ang bilyonaryong Tsino na si Jack Ma, na kamakailan lamang ay nakipagtulungan kay Senador Manny Pacquiao para mag-donate ng 50,000 coronavirus test kit sa Pilipinas.

Ito’y dahil mahigit dalawang buwan nang hindi nagpapakita sa publiko ang Alibaba founder, ayon sa ulat ng Yahoo! nitong Lunes.

Hindi rin nasilayan si Jack Ma sa final episode ng kanyang talent show na “Africa’s Business Heroes”.

Sabi ng isang Alibaba spokesperson sa pahayagang Financial Times, hindi nakasama sa judging panel si Ma dahil sa “conflict schedule”.

Huling tweet ni Ma ay noong Oktubre 10, 2020 pa.

Ang diumano’y “pagkawala” ni Ma ay kasunod ng kontrobersyal na speech niya sa Shanghai noong Oktubre 24, 2020 kung saan tinuligsa niya ang regulasyon ng China sa financial system at inihalintulad ang banking rules nito sa “old people’s club”. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.