Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bilyonaryong Chinese nilason

0 156

Isang Chinese tycoon ang nasawi matapos lasunin noong Pasko.

Ayon sa ulat ng TV network na BBC, kinumpirma ng Shanghai Police na nilason si Lin Qi, 39.

Si Lin ay chairman at chief executive ng games developer na Yoozoo, na nakilala sa strategy game na “Game of Thrones: Winter Is Coming”.

Itinurong suspek ang kasamahan sa trabaho ni Lin na kinilala lang sa apelyidong Xu, 39, na nakakulong na sa Shanghai.

Pinaniniwalaang may kayamanan si Lin na aabot sa £960 million o mahigit P62 bilyon, batay sa Hurun China Rich List. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.