Abante Tonite Interactive

Bilyonaryong Hapon namudmod ng 1 billion yen sa 1,000 katao

324

Halos kalahating bilyong piso ang natanggap ng 1,000 katao mula sa Ja­panese billionaire dahil sa experiment nito sa Twitter.

Hahatiin ng shopping mogul na si Yusaku Maezawa ang 1 billion yen para sa 1,000 na kataong mag­re-retweet sa kanyang post sa social media.

Sa announcement nito sa Youtube, tinawag niyang ‘serious social trial’ ang pamumudmod ng pera para maipakita kung ano ang magiging epekto ng biglaang pagkakaroon ng maraming pera ng isang normal na tao.

Bibigyan ng questionnaire ang mga mapipili tungkol sa kung papaano nila gagastusin ang pera.

Natapos na ang pa-contest noong Enero 7, at lampas sa 4 million na tao ang nag-retweet ng post ni Maezawa.

Dadaan sa lottery ang mga pa­ngalan ng nag-retweet at dito pipili ng mga mananalo at papadalhan ng mensahe para makuha ang premyo.(RP)