Abante Tonite Interactive

Bilyones budget sablay pa rin

238

Naiwasan umano sana ang mga ­kapalpakan sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games kung ginamit nang tama ang P6 bilyong pondo na laan para sa multisport event.

Sa television interview sa GMA ­Unang Hirit, binigyan-diin ng Pangulo na may ­dalawang taon para ­maghanda ang ­Philippine Southeast Asian Games ­Organizing Committee (Phisgoc) ­Foundationl Inc ni House Speaker Alan Cayetano subalit nagkaroon pa ring ng mga aberya sa logistics o pera.

Inamin ni Duterte na hindi talaga ­perpekto ang pag-host ng Pilipinas sa SEAG, subalit mas naiwasan umano ang mga ­kapalpakan kung nagamit nang tama ang budget na nakalaan para rito.

Bago pa man ang pormal na pagsisimula ng event, sunud-sunod na nagkaroon ng aberya mula sa paglapag ng mga dayuhang atleta sa Ninoy Aquino International ­Airport (NAIA), pagsundo sa mga ito, pati sa ­hotel accommodation hanggang sa kanilang ­pagkain.

“You can do it, not really with ­precision, but had you made most of the money then you could have avoided the critical ­situations, the mishaps” sabi pa ng Pangulo.

“You had so many years to prepare for it. So how come na ganyan ang nangyari? And even in the food and in the billeting of the hotel na hindi nila alam kung saang hotel,” sabi pa ni Duterte.

“These things could have been avoided if you used the money correctly,” dagdag pa nito.

Binatikos din nito ang Phisgoc ni House Speaker Alan Cayetano sa pagkuha sa mga pribadong bus companies para sa ­pagbibiyahe ng mga atleta sa hotel at ibang sporting venue.

“You do not wait for the bus companies to send their buses to help you out,” ­pahayag ni Duterte,
Aniya, wala siyang sinisi na tao o grupo subalit dahil sa hindi maayos na paghahanda at sa malaking budget ay dapat naiwasan sana ang mga bulilyaso.

“If you would ponder on it, it’s actually negligence or uforseen events that you failed to prepare for,” lahad ng Pangulo,
Aniya, bubuo siya ng fact finding body na mag-iimbestiga sa Phisgoc