Abante Tonite Interactive

Bilyong dolyar ni Kylie Jenner poprotektahan kay Travis Scott

269

Itinanghal bilang pina­ka­batang self-made billionaire­ ang American socia­lite na si Kylie Jenner.

Base ito sa pinakahuling rich list ng Forbes magazine. Malaking tulong ang kanyang cosmetics company na itinatag niya tatlong taon na ang nakaraan. Batay sa 2019 World’s Billionaires list ng Forbes, mayroong kabuuang net worth na $1 billion (P50-bil­yon) ang 21-an­yos na si Jenner.

Ang pinakabatang miyembro ng pamilya Kardashian din ang nagtatag at may-ari ng Kylie Cosmetics, na kumita umano ng $360-milyon noong nakalipas na taon. Si Kylie ang pasok sa 2,057th place kahit na self-made man o namana niya ang kanyang yaman.

One hundred percent na pagmamay-ari ni Kylie, na may isang taong gulang na anak, ang naturang kompanya.

Bukod pa sa kinikita niya mula sa mga endorsement at paglabas sa Keeping Up with the Kardashians. Sa status niya ngayon na isa ng bilyonaryo ay alam ni Kylie na maraming puwedeng mawala sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit nag-iisip si Kylie sa paggawa ng isang prenup agreement. Type niyang magpapirma kay Travis bago pa niya pag-isipan ang pagpapa­kasal sa ama ng kanyang anak na si Stormi Webster. Nag-aalala tuloy si Kylie sa pagpapakasal kay Travis.

Wala namang dudang mahal­ niya ang ama ng kanyang anak. Kaya lang sa status niya bilang bilyonaryo ay gusto niyang papirmahin muna ng prenup si Travis para malinaw ang usapan. Alam naman ng pinakabatang Kardashian na kailangan niyang protektahan ang lahat ng kaniyang ari-arian. Iyong huling pagkakatuklas ni Kylie ng pagtataksil ni Travis ay tumatak sa kanya kaya sa ngayon ay hindi niya masabi kung ano ang kahihinatnan ng kanilang pagsasama.
Nagdadalawang-isip na rin siya kung pakakasalan niya si Travis.

“She loves him,” panini­guro pa ng taong malapit kay Kylie. “And wants to trust him completely,” dagdag pa ng isang source.

Basta sa ngayon ay ayaw munang magdesisyon ni Kylie hangga’t hindi niya nasisiguro 100% na hindi na ulit magtataksil sa kanya si Travis. Sa ngayon ay mahigpit ang bilin niya sa mga taong nakapaligid sa kanyang katipan na bantayan ang bawat kilos ng binatang rapper. Kailangan lang niyang makatiyak sa mga sandaling ito. Hindi dahil sa ‘di niya “pinagkakatiwalaan” si Travis, kaya niya papipirmahin ng prenup. Dapat maunawaan niyang isang magandang ideya sa kahit na sinong couple na nagpaplanong magpakasal ang pagpirma sa isang kasunduan bago ang kasalan.