Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bimby ayaw ng kawatang dyowa kay Kris

0 639

NI:ARCHIE LIAO

Sa kanyang Facebook page, nagkaroon ng pagkakataon si Bimby na kapanayamin ang kanyang inang si Kris Aquino.

Unang tanong ni Bimby (James Carlos Aquino Yap, Jr.) kay Kris ay tungkol sa naging relasyon nito sa kanyang amang si James .

Naloka naman ang mga netizen sa naging sagot ni Kris na kilala sa minsan ay naipagkakamali ang pagiging prangka sa pagiging taklesa.

“Honestly I just took the job, as in, leap of faith,” ani Kris.

“Like Daredevil?,”pagbibiro ni Bimby.

Gayunpaman, pinuri naman ni Kris ang ex na kahit bata sa kanyaý pinakasalan siya.

“What made your dad special was that, initially, he trusted me by telling me something that he didn’t have to tell me.”

Sa kanilang tsikahan, nabanggit din ang tungkol sa dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ani Bimby, gusto niya si Bistek dahil hindi ito nagtangkang magpakatatay sa kanya at alam nito ang kanyang hangganan.

Natanong naman ni Kris ang bunso kung papayagan nitong mag-asawa siyang muli.

Umoo naman si Bimby subalit nagbigay siya ng ilang kundisyon.

Ilan sa mga kundisyon niya ay hindi magnanakaw ang prospective hubby niya, hindi siya sisigawan o pisikal na sasaktan.

Pinasalamatan din ni Kris si Miles Ocampo sa unconditional love na ibinibigay nito sa kanilang mag-ina.

Ani Kris, ang tipo ni Miles ang gusto niyang mapangasawa ng kanyang bunso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.