Abante Tonite Interactive

Bimby magpapatuli

By
37,030

SA ilang larawang ibinalandra ni Kris Aquino sa social media na kasama ang kanyang bunsong anak na si James Yap Jr., kitang-kita na mas matangkad na ang junior ni James Yap Sr. sa kanya at confirmed ang pagiging guapong binatilyo ito sa tamang panahon.

Pre-pubescent age na ito kaya sure na sure na ang growth spurts episode pati na rin ang testosterone activation ay mangyayari na in a couple of years.

Mula sa pagiging totoy at binatilyong pumipiyok na ang boses hanggang sa pagpapatuli nito ay magaganap na.

Kung nu’ng baby pa lang ang bunso nina Kris at James ay pinatuli na, hindi na iyan gagawing news item ni Madir Krissy. Pero kung ito ay hindi pa nangyayari at sa edad niyang dose pa lang magaganap ang itinakdang circumcision, na talaga namang ang lalaking Pinoy eh pinagdadaanan, makakaasa ba tayo na well chronicled ang experience na yan ni James Jr. sa mga social media venues ni Aquino?

Hindi naman kataka-taka iyan lalo na nga’t. yun ngang madapa o magkalagnat lang ang pangalawang lalaking anak ni James Sr. eh nagiging banner story sa mga pahayagan, blogs, ito pa kayang magpapatuli ?

Summer time ang season of pagpapa-tuli kaya dapat ba tayong manalig na aarya at ikakasa na ang tuli sanaynay ni James Jr. na nanay niya ang sumulat?

Ngayong pre-pubescent age na nga ang kanyang bunso, Krissy must refrain from addressing him as Bimby or Bimb para kahit paano ma-erode ang perception na lelembot-lembot ito.

She must take the cue from her idol. Vilma Santos. Nung nagbibinata na si Luis, she stopped calling him Lucky in public at wala na yung ‘I love you, Lucky!’ sigaw niya pag natatapos ang kanyang VIP dati. She addressed her first born sa totoo nitong pangalan.

Kris must address her bunso as James, biblican naman ito, very parang blue blood pa nga. Kung nagdadabog ang bangs niya sa pangalan, JJ na lang ang itawag niya kay bunsoy na mas angkop sa tunay nitong ngalan na James Jr. kesa ang Bimby na sa tuwing binibigkas pa niya pagka-arte-arte, singsong na parang may pag-unga of a baka in the dulo, right?

Dapat rin, she stops showing video footages kung saan kopyang-kopya ni James Jr. ang manner of speaking niya, pati na rin yung mga facial expressions niya.

Mas kainaman para sa kanyang anak, ngayong puberty age na siya halos, na less public appearances. Give him the privacy he so richly deserves, away from the spotlight and let it be a pleasant surprise to the public na makikita muli natin ang junior ni James Sr. pag siya ay of voting age na.

Again, follow what Maricel Laxa Pangilinan did, nung bumalaga sa atin si Donny Pangilinan, binata na, 20 and every inch of him eh pang heartthrob talaga.

At tama ba naman Kris na idikta mo sa anak mo ang mga dapat na qualities of your son’s future girlfriend? Huwag munang ganun. Baka naman wala pa sa kukote niya ang mga bagay na ganiyan.

Kinokondisyon mo na agad na dapat ganito at ganire, huwag kang magmadali na maging ‘binata’ agad iyan dahil when puberty hits him hard and his raging hormones take over, baka hindi ka emotionally prepared sa mga kaganapan. Boys will always be boys kaya dapat pangaralan mo muna siya about the birds and the bees, about flowers and boners, and all that jazz.

Dapat rin na may bonding time siya sa biological dad niya lalo na nga’t maraming physical changes ang magaganap sa kanyang katawan na hindi naman nangyari sa katawan mo. What he needs right now, aside from your unconditional love, eh paternal payo lalo na sa pagiging lalaki at sa pagkakalaki niyang may sariling pag-iisip.

Paolo isang pelikula lang ang pumatok

NGAYONG pumanaw na si Rolly Quizon, ano kaya pakiramdam ni Maricel Soriano sa kaganapang ito? Naging magkapatid ang dalawa sa iconic situational comedy show na John En Marsha.

Sila ang mga Purongtong, the late great Comedy King Dolphy ang kanilang tatay. Ang nanay nila ay namayapa na ring si Nida Blanca na maituturing na best leading lady ni Mang Dolphy at napakahusay ring aktres. Si Maricel ay si Shirley at si Quizon, kung ano ang pangalan niya sa buhay, yun rin ang ginamit niya sa sitcom.

Ang major role na tanda kong ginampanan ni Rolly ay bilang leading man ni Vilma Santos sa Burlesk Queen. Alam na nating lahat na ang pelikulang ito ay kontrobersyal dahil it won all the major and minor awards sa MMFF 1977.

Kung ang pagiging kuya ni Rolly sa Diamond Star ay nag-translate sa totoong buhay tiyak, may lumbay siyang nadarama sa pangyayaring ito.

Si Maricel at ang katulong dati na sa sitcom na si Matutina ang the last two women standing na galing sa John En Marsha.

Walang duda na mara­ming Maricelian ang magbubunyi kasi matapos ang mahabang panahon may pelikula ang natatanging Dia­mond Star, gaganap siya bilang tiyahin ni Paolo Ballesteros sa My Two Mommies. May chance na makakatulong kay Maria Cecilia ang pelikula sa pag mo-moving forward sa kanyang dalamhati.

Si Eric Quizon ang direktor kaya siguro hindi nakatanggi ang Inay Marya sa pelikula.

Pag ipinalabas ang pelikula, sa Maricelians out there na alam ko namang mayayaman at may pribilehiyong magsuplada, panoorin ang pelikula, huh. Paki-tulungan ang the Other Queen P dahil he badly needs a hit.

Ang natatanging pelikula ni Paolo na pumatok ay Die Beautiful. Ang Barbi, ‘D Wonder Beki hindi nag-wonder sa takilya at yung Amnesia Love, nagka-amnesia ang mga dabarkads kaya nag-underperform.

Kaya sabi nga ni Snooky Serna dati sa The Graduates, pag ipinalabas na ang My Two Mommies, panoorin at ‘gawin natin ito para sa bayan.’