Abante Tonite Interactive

Bimby nahirapang batiin si James

By
3,769

Ayon kay Kris Aquino, hindi na raw niya pipilitin pa ang bunsong anak na si Bimby na mag-reach out sa ama nitong si James Yap. Isa ito sa mga nai-discuss nila ng anak sa live session nila sa Instagram, Facebook and You Tube nitong nakaraang Father’s Day.

Ikinuwento ni Kris na may time na pinilit niya si Bimby na mag-send ng video sa ama on Father’s Day at ginawa naman daw nito kahit nakita niya kung gaano nahirapan ang anak.

“I was asking you,” sey ni Kris sa anak, “that if we could do something privately, a Father’s Day video that I want to send your Dad. And I knew you did it because I asked you, because I really want peace.

“But I also saw how much you couldn’t handle it after. So, it will come.”

Pahayag pa ni Kris, ito raw ang proudest moment niya kay Bimby dahil ginawa pa rin nito kahit mahirap because of her.

“And as far as Mama is concerned, the very fact you tried is more than enough,” sey pa ni Kris.

Pagkatapos daw magawa ni Bimby ang video ay isang oras daw itong umiyak at alam niya kung gaano nasaktan ang anak.

“Hindi pa tayo handa, hindi ka pa handa, so I’ll give you that. You deserve that,” sabi pa ni Kris sa kanyang bunso.

Pero kung dadating daw ang time na handa na si Bimby ay ready naman daw siya.

“For your Mama, I’m okay, and for your Mama, I had to do a lot of reckoning. And you know, I had to realize that you’re lucky, you have a dad who’s alive. And it’s up to him now. I hope that he will reach out. But I’m also not gonna force you to be the one to reach out, okay?” sabi pa ni Kris sa anak.

Nagpahayag naman si Bimby na ayaw niyang mag-reach out at pini­gilan na siya ni Kris na magsalita pa.

“Okay, I’m telling you, I’m not forcing you, okay? I’m just saying that. Sinasabi ko sa ‘yo na na-realize ng Mama mo ‘yun. Na maraming natutunan ang Mama mo this whole month that passed. I learned,” sabi pa ni Kris.

KC inunang binati si Kiko kesa kay Gabby noong Father’s Day

Lumikha ng samu’t saring reaksyon ang Father’s Day greetings ni KC Concepcion para sa kanyang Daddy Kiko Pangilinan last Sunday.

Nag-post si KC ng la­rawan nila ni Sen. Kiko in black and white na masayang nagtatawanan and wrote a very touching and heartfelt message.

“The side people rarely see… When he’s not slaying dragons, he’s with the girls giving love advice Thank you to the main man of our lives, the one who taught me how to use a dictionary, budget my money, plan ahead & be organised. Long nights of talking, communicating, spending quality time became a REALITY with you.

“An authoritarian who was once SUPER STRICT has now become a warm dad & close friend. Thank you for giving me confidence. And making me feel that I am enough. #HappyFathersDay,” ang caption ni KC.

Sa comments section, ang daming nagtanong kung bakit hindi niya binati ang biological father niya at may mga nang-bash na agad sa kanya.

Pero maya-maya lang, may post na si KC ng pagbati niya rin kay Gabby. Kung baga, nauna lang ng ilang oras si Sen. Kiko.

“I will always be thankful for the ways you record memories, remind me of the who’s who in our family tree, tell me stories & remind me of my roots.

“I always look forward to our endless late night phone conversations, where we talk until you fall asleep. Yes you, because I’m a night owl and can go on til the sun rises, but you never cut me off. Perhaps to make up for all the lost time all the years we were apart. To the first man I ever loved… #HappyFathersDay,” ang caption ni KC sa larawan nila ng ama.

Dahil dito ay natuwa na ang mga fan niya na kanina pa hinihintay ang greetings niya for Gabby at puro papuri na ang nabasa namin.

Actually, dalawang beses ngang nag-greet ni KC sina Gabby at Sen, Kiko. Earlier in the day ay may post na siya na sabay niyang binati ang dalawa

“To my father @kiko.pangilinan, papa @concepciongabby& my “father duck” Pastor @juliusfabregas — HAPPY FATHER’S DAY to you Everything means nothing, if I ain’t got you. Celebrating all the dads who show their children real love. Lurve you,” ang laman ng unang post ni KC bago pa siya nagbigay ng solo greetings sa kanyang dalawang ama.