Abante Tonite Interactive

Bimby, nakipag-bonding na sa baby brother

118

HINDI nagpaawat si Kris Aquino, sumabay siya sa isyu ng Star Magic Ball, saka siya nag-reach out kay James Yap na dalawin na nila ni Bimby Yap ang baby brother nito na si Baby MJ.

Sa Instagram account ni Kris Aquino namin unang nakita ang post na kuha nila ni Bimby kasama si M­ichela Cazzola.

Nasa caption nito, “There’s no perfect formula for mothering except to do it with LOVE. I am grateful that today we gave our sons the opportunity to meet and hopefully have genuine bonding as brothers…

“Because in the end, the good men we are able to raise will be products of our guidance and unconditional love as mothers.”

Ang kasunod niyang post ay kuha naman ni Bimby at ang baby brother niyang si M­ichael James na nakatalikod lang.

Sabi ng Queen of Social Media, “I reached out to James & asked if it would be okay for Bimb to meet his baby brother.

“I prayed a lot for this day to arrive when we’d all be ready, because I just want what is best for my bunso.

“Thank you James & Mic for graciously welcoming us into your home. Mic went out of her way to prepare carbonara for Bimb & to bake an Italian chocolate pie for our merienda.”

Pawang positibo ang mga komentong natatanggap ni Kris sa naturang posts.

Si Michela naman ay ipinost din ang kuha nilang dalawa ni Bimby na may caption na, “My baby boy met his b­rother today.”

May isa rin siyang post na isang flower arrangement na bigay naman ni Kris. Sabi niya “Beautiful #orchids, such a tasteful arrangement. Thank you @kriscaquino.”

Sa IG account naman ni James ay ipinost ang mga laruang regalo ni Bimby.

Nasa caption nito, “Thank you Bimb for bringing gifts for your baby brother. I love you both.”

Tinawagan namin si James kahapon, nakiusap itong saka ko na isulat ang maikling interview namin sa kanya. Kagigising lang niya kasi kaya tatawagan ko pa siya uli.

Basta, masayang-masaya siya at hindi makapaniwala na nadalaw na ni Bimby ang baby b­rother nito.

***

Lagare si Ai Ai de las Alas kamakalawa. Kararating lang niya mula Japan kung saan nag-taping siya ng Sunday Pinasaya.

Deretso siya sa Kalyeserye wedding nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga.
Excited siya at masayang hinatid sa altar si Alden.

“Ayun masayang-masaya si Alden,” pakli ni Ai Ai nang sandaling nakatsikahan namin sa closing ng QCinema sa Trinoma kamakalawa nang gabi.

Doon sa QCinema International Film Festival ipinalabas ang pelikula niyang Area na bale clo­sing film sa naturang filmfest.

Excited si Ai Ai na mapanood na ng mga kababayan niya ang Area.

Sana raw kung gaano kainit ang pagtanggap sa kanilang pelikula nang isinali ito sa Eurasia International Film Festival sa Kazakhstan, sana ganun din dito sa atin.

Kung meron mang pumuna, hindi na siya nagugulat.
“Okay lang ‘yun, sanay na ako,” sagot ng Comedy Queen.

Ibinuhos ni Ai Ai ang lahat sa Area at wala siyang kaarte-arteng naligo nang nakahubad.

Naghubad siya ng panty at nakabukaka habang pina-pap smear ng doktor.