Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bimby sinalbahe sa bidyo

0 483

Noong una, ang diva that you love, ang buong akala, pasimpleng ibinabahagi ang bidyo kung saan mapapanood si James Yap Jr., na mas kilala sa kanyang nick name na Bimby.

Iyon pala, lalong-lalo na sa Twitter, ang daming kopya ng bidyo kung saan nag-uusap ang mag-ina, ang Digital Empress at kanyang bunso, about a certain person, na sa pakiwari ni Bimby ay madadalas sa bahay nila because of his mom’s bag collection. Tapos, tawang-tawa ang binatilyo at tinakpan ang kanyang bibig habang super LOL moment ito kasi nga nasa hapag kainan sila.

At dahil sa laughing like silly ni Yap Jr., ang mga nakakakainis na nagmamalinis pero marurimi rin naman, agad-agad ang panghuhusga sa biological son ni James Jr.

I feel bad for the young boy because he does not deserve that kind of hatred. He was in the comfort of their dining room, at his own home, and he can act whichever and whatever way he wants.

Respeto naman po at kaunting kahihiyan lalo na nga’t bata pa ang sinasalbahe niyo.

And what is even worst, sa mga bakla pa talaga nanggaling ang panghuhusga at panlalait sa musmos. Kumilos naman kayo ayon sa inyong ganda, At kung wala naman kayong pribilehiyong magsuplada, shut up na lang.

James Yap Jr. does not deserve your malice and vitriol. Magkape please, yung barako, at dapat walang asukal na muscovado, para nerbiyusin kayo sa mga pagiging dalahira at tampalasan niyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

@@@

Dennis tinulungan si Abdul

Ibang klase rin ang kabutihan at kabaitan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo, huh!

Bakit kaniyo? Ang balita ko kasi, ang isang young actor na kasama niya sa bagong drama eh nabigyang tulong nito. Nakachikahan ni Trillo ang young actor na si Abdul Raman, na isa sa cast ng “Legal Wives” at para silang nagka-father and son bonding nito.

Napag-usapan ang mga buhay-buhay, lalo na nga’t may pandemya sa kasalukuyan.

Binigyan ng generous gift ni Dennis ang binatilyo na isang malaking sorpresa para sa kanya. How much ang binigay na surprise ni Trillo? Huwag na dahil baka mamaya, gusto nitong pribado ang tungkol sa pangayayaring ito.

Sa true lang, napangiti ang diva that you love sa gesture na ito ni Dennis Trillo. Hay! May your tribe increase.

Leave A Reply

Your email address will not be published.