Abante Tonite Interactive

Binabaril sa panaginip 

DREAM CATCHER

2,181
Related Posts
Nanaginip ako na nagpunta raw ako sa isang lugar at nang paalis na ako, babarilin daw ako ng isang la­laki kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako at nagtago. Pero nahanap niya ako at nakita kong ang lalaki ay biglang naging isang napakabangis na tuta. Hanggang sa maging dalawa ang aso.
Yung kulay brown na tuta ang kumagat sa akin, sa kamay ko po. Ramdam ko po na halos mamatay po ako sa sakit. Kinuha ko raw yung axe na maliit at tinadtad ko ang katawan ng aso.
Pero kahit na tinatadtad ko siya ay nakakagat pa rin daw ang bunga­nga niya sa isa kong kamay. Kaya ang bunganga niya ang hinati ko. Pag-uwi ko sa amin, sinabi ko ang nangyari sa mama at papa ko then sabi ko ay tuta ang pinatay ko pero sabi ng mama ko harapin ko daw ang kasalanan ko dahil tao raw ang pinatay ko.
‘Di nagtagal dumating ang mga pulis at ang nag-interview daw sa akin ay family ng pinatay ko, dalawang Arabo. Pinakita ko raw ang kagat ko at sinabi kong self-defense lang ang nangyari.
May kinuha silang parang laser para matantya raw kung gaano kalalim ang su­gat. Tapos after nun ay sinabing okey na at umalis na kaagad. Nakita raw ng papa ko ang kagat. Sabi niya ganito pala kalala, wala kang dapat ikatakot o ipag-alala at dun na nagising na ako.
Ang iyong pana­ginip ay serye ng mga bayolenteng eksena. Kadalasan ang ganitong pana­ginip ay dulot ng stress. Sa iyong sitwasyon, ikaw ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya hindi naman kataka-taka na nakakaramdam ka ng stress.
Sa iyong pana­ginip ay nakita mo ang iyong magulang kung saan pinayuhan ka ng iyong ina na harapin ang kasalanan mo habang sa hu­ling eksena ng pana­ginip mo ay sinabi naman ng iyong ama na wala kang dapat ipangamba. Malinaw ang mensahe na nangungulila ka na sa iyong pamilya, sa iyong mga magulang. At kahit sa iyong panaginip, alam ng isip mo na kapag may nangyari sa iyong a­berya ay makakaasa ka sa pag-alalay ng iyong magulang.
Ang panaginip tungkol sa aso ay indikasyon din ng pagkabalisa, an­xiety, takot at stress. Kung hinabol at inatake ka ng aso sa iyong panaginip, maaaring sa aktuwal mong sitwasyon ay maraming gumugulo sa iyong isip na hindi nga malayong mangyari lalo na sa tulad mong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ang aso ay simbolo ng proteksiyon at dahil sa panaginip mo ay kabaligtaran ito, maari naman itong ikonek sa ilang kaibigan. Pag-aralan ang iyong sitwasyon, may mga kaibigan ka ba na hindi mo pinagtitiwalaan? Posibleng para sa iyo ay kuwestyunable ang kanilang loyalty kaya naman sa iyong panaginip, ang tao ay naging aso at kinagat ka pa.
Pero sa kabuuan, kung pag-aaralan, ang iyong bayolenteng pa­naginip ay maikokonek lamang sa stress na iyong nararamdaman. Gumawa ng paraan para malibang. Marami nang gadgets na pang-komunikasyon. Kung nangu­ngulila sa iyong pamilya at mga kaibigan, gamitin ang lahat ng paraan para lagi silang makausap dahil kahit nasa malayo ka para mo na rin silang kasama kung araw-araw mo silang nakaka-chat.
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER  ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.