Abante Tonite Interactive

Binabawasan ng laman ang paninda

535

Bago ang lahat ay babatiin ko muna ng magandang araw ang kapwa ko mambabasa ng Abante TONITE.

Ako po ay nakatira dito sa may Balic-Balic, Sampaloc, Manila.

May puwesto/tindahan ako ng mga lutong ulam. Katabi ko naman ang sari-sari store nina Aling Barang (alyas niya lang).

Abante Hiring – IT dep

Matagal nang nakapuwesto ang sari-sari store ni Aling Barang. Marami na rin siyang mga suki.

Palibhasa’y magkadikit lang ang puwesto namin kaya madalas kaming nagkakahuntahan.

Pero minsan ay natiyempuhan ko siya at naispatan sa kanyang tindahan na abalang-abala.

Nang silipin ko’y nakita ng dalawang mata ko na isa-isang binubutas at tinutusok ng karayom ni Aling Barang ang mga sachet ng shampoo. Pagkatapos niyang butasan ang mga ito ay isa-isa niyang binabawasan ng laman ang sachet ng shampoo at isinasalin ito sa isang maliit na lalagyan.

Nang mapansin niya ako ay bigla niyang itinago ang mga shampoo at basyo.
Para hindi siya mapahiya ay nagdedma-dedmahan na lang ako at kunwari ay walang alam.

Pero mula noon ay nagduda na ako na kaya pala mamasa-masa minsan ang mga tinda niyang sachet ng shampoo at konti na lang ang laman nito ay dahil binabawasan pala ito ni Aling Barang.

Alyas Manang Linda
ng Sampaloc, Manila

Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakaka­asar o kapana-pana­bik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.