Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binabawi ng distributor: Mazda3 BK plastic sa manibela delikado

0 98

Ipina-recall ng distributor sa Pilipinas ang mga Mazda3 BK model na nasa bansa.

Ang Bermaz Auto Philippines ang authorized distributor ng mga Mazda na sasakyan at spare parts nito sa Pilipinas.

Ayon kay Bermaz Technical & Parts Operation manager Oliver Ramon Buan at Bermaz manager for field service operation Mark Arthur Tamula, pinapa-recall nila ang mga Mazda 3 (BK) dahil may problema sa plastic logo na nasa manibela ng sasakyan na tumatakip sa airbag.

Anila, maaari kasing mabasag ang plastic logo kapag lumobo ang airbag `pag nabangga, at sumabog at kumalat ang mga sumabog na piraso nito sa loob ng sasakyan at makapinsala ng mga pasahero.

Dagdag nila, maaari kasing rumupok ang plastic na logo pagkalipas ng panahon at posibleng pumutok ito sa biglang paglobo ng airbag kapag nabangga.

Sabi ng Bermaz, kailangang palitan ang airbag module cover at ang kompanya ang magpapalit ng mga ito.

Hindi sinabi ng Bermaz kung ilang sasakyan ang apektado sa special service campaign na ito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.