Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binagyong module ibilad, plantsahin – Sec Briones

0 409

KINALAMPAG ni Education Secretary Leonor Briones ang mga guro na dapat mga paaralan na ang bahalang umaksyon sa mga nabasang learning module dahil sa mga pagbaha at pag-ulan dulot ng bagyo.

Saad ng kalihim, hindi na dapat hinihintay ang utos mula sa DepEd Central para matugunan ang problema pagdating sa module.

SM food to go Banner Ad

“Siguro hindi naman susulat ang superintendent na, ‘Basa ang module namin.’ Maghanap sila ng paraan. Siguro ibilidad nila, ‘yong iba pinaplantsa,” lahad ni Briones.

“Hindi na sila uutusan ng circular galing sa central office para sabihin kung ano ang gagawin,” aniya pa.

Sabi naman ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio, pwedeng magamit ang mga self-learning module ng ibang kaklase ng mga estudyante para tuloy-tuloy ang pag-aaral.

Leave A Reply

Your email address will not be published.