Abante Tonite Interactive

Binakbakan sa ‘second chance’: Bato na-high blood

547

Tumaas ang presyon ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa isang pagdinig kahapon sa Senado matapos mapikon sa patutsada ng isang miyembro ng National Union of Students in the Philippines (NUSP) tungkol kanyang reaksiyon sa napipintong paglaya ni ni Ex-Caluan Mayor Antonio Sanchez.

Sa pagdinig ng Se­nate committee on basic education sa panukalang mandatory Senior High School Reserve Officers Training Corps (ROTC) Act, nagalit si Dela Rosa kay Raoul Manuel, deputy secretary general ng NUSP, matapos siyang atakehin nito kaugnay ng kanyang ‘second chance’ comment kay Sanchez.

“Lahat po ay puwedeng nating ma-achieve sa current na batas na meron tayo. Siguro kung mahihirapa tayo na i-uphold ‘yung ganito such as law enforcement ay right awareness,” sambit ni Manuel.

“Nagkakatalo na lang among the ranks of public lalo na if we have a senator who will say na okay lang na makalaya at may se­cond chance ‘yung isang rapist na mayor habang mahihirap ay madaling tokha­ngin na lamang,” banat nito kay Dela Rosa.

Sa tagpong iyon, nagpanting ang tenga ng senador sa NUSP member.
“I take offense of what you said, ‘yung ROTC ay misrepresentation nationalism. Anong tingin mo sa amin? Ganoon ka na mag-judge sa amin? Are you sure, you are true representative of Filipino students. Mas maraming diyan gustong mag-ROTC, ang layo ng issue mo,” galit na pahayag ni Dela Rosa.

“Dapat ikaw matuto ka magrespeto kahit sa senador man lang na nandito sa hearing na ito. ‘Wag mo tirahin sa ibang issue na ‘di kasama dito,” dagdag pa ito.

Agad namang hinirit ni Senadora Pia Caye­tano, alisin sa record ng pagdinig ang mga pahayag ni Manuel na aniya’y ‘irrelevant’ sa nasabing pagtalakay. (Dindo Matining)