Abante Tonite Interactive

Binalatang dalagita bangag ang yumari!

Hindi ‘yan kulto — Digong

376

Hindi itinago ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang galit sa karumal-dumal na pagpatay sa isang estudyante sa Cebu City na binalatan ang mukha, tinadtad ng saksak at hinihinalang ginahasa ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Sa kanyang talum­pati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Ilagan City, Isabela kagabi, poot aniya ang kanyang nararamdaman sa ginawang karumal-dumal na pagpatay sa 16-anyos na dalagitang biktima.

Hindi pa aniya nakuntento ang mga suspek nang halayin ng mga ito ang biktima, bagkus ay binalatan pa ang mukha nito at pinatay.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naniniwala ang Pangulo na kulto ang may kagagawan nito kundi mga bangag sa ipi­nagbabawal na gamot.

“Maniwala kayo diyan ­kulto-kulto binabalatan ang mga mukha. Reypin ang 5 year old na bata. May pinatay at binalatan ang mukha tapos ‘yung iba four months old ‘yung na-rape, patay na ‘yung gumawa, p***** *na ka mauna ka sa impiyerno leche!

“Mga human rights baka ‘di niyo alam try to dig into this and find my revulsion,” anang ­Pangulo.

Dahil dito, kinalampag ni Pa­ngulong Duterte ang Commission on Human Rights (CHR) na laliman pa ang kanilang im­bestigasyon sa ganitong mga kaso para ma­laman nila kung bakit ganito na lamang ang galit niya sa mga nasa likod ng iligal na droga.