Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biñan nalubog sa baha

0 48

Binaha ang ilang lugar sa Biñan City, Laguna kasunod ng buhos ng malakas na ulan na tumagal ng mahigit isang oras.

Dahil sa lakas ng buhos ng ulan, umakyat ang Biñan River sa level 4 o critical level.

Halos lahat ng subdivision sa Brgy. Sto. Tomas na may pinakamalaking populasyon sa Biñan ang binaha ang mga kalsada.

Ang ibang bahagi naman umabot pa hanggang sa baywang ang baha.

Nabatid na nangyari ang pagbaha dahil umagos pababa ng Biñan ang tubig mula sa Silang, Cavite na tinamaan din matinding ulan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.