Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binantaan ang ex, binata dinakma

0 30

Nahaharap ngayon sa mga kasong online libel, grave threat, at violence againts women and their Children (VAWC), ang isang binata nang madakip sa ‘entrapment operation’ sa Quezon City, nitong Huwebes.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Danilo P Macerin, ang nadakip na si Ralph John Velasquez, 35, ng Caniogan, Pasig City.

Si Velasquez ay naaresto ng mga operatiba ng Quezon City District Anti-Cybercrime Team alas-4:10 ng hapon sa harap ng Trinoma, sa QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa reklamo ng ex-girlfriend, naging mag-on sila ni Velasquez pero nakipag-break ang dalaga, na hindi matanggap ng lalaki kaya ginawan siya ng pekeng social media account kalakip ang kalaswaan laban sa dating nobya.

Nagkunwang makikipagbalikan ang babae burahin lang ang ginawang pekeng account ng suspek ngunit lingid dito ay nag-report sa pulis ang ex-gf kaya nadakip si Velasquez. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.