Abante Tonite Interactive

Binaril sa mukha

78

Halos mawasak ang mukha ng isang ­lalaki nang barilin ng kalibre .45 na naging dahilan ng agad nitong ­pagkamatay sa Novaliches, ­Quezon City kamakalawa ng gabi.

Walang gustong magsalita sa lugar na pinangyarihan ng krimen ­dahil sa takot na baka resbakan sila kaya blangko pa ang pulisya kung ano ang motibo at sino ang puma­tay sa biktima na nakilalang si Jeffrey ­Rivera y ­Naval, may-asawa, ng Kil­yawan St., Sitio ­Arguardiente, Brgy. Sta Monica sa ­Novaliches.

Sa imbestigasyon ni PO3 Elario Wanawan, dakong alas-9:50 ng gabi ng mangyari ang pamamaril sa Ibong Pilak St., Brgy. Sta. Monica.

Binaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa mukha si Rivera gamit ang kalibre .45 at tumagos ang bala nito sa likod ng ulo ng biktima.

Pero nadiskubre rin sa pag-iimbestiga ng pulisya na nagtamo rin ng tama ng bala sa kanang balikat ang biktima.