Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binash ng mga netizen: Marcos Jr `nandiri’ sa fan

0 98

Nag-viral sa social media platform na Twitter noong Biyernes ang isang video clip kung saan umakyat sa entablado ng UniTeam grand rally ang isang supporter ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. upang magpapiktyur.

Makikita ang babae na umakyat papunta sa entablado ng campaign rally dala ang kanyang cellphone para maka-selfie kay Marcos.

Subalit nang makalapit ang babae kay Marcos at inangat na ang kanyang hawak na cellphone ay umatras ang kanyang presidential bet. Mapapansin din na umiwas si Marcos.

Tumawag ng isang staff si Marcos na siyang sumita sa naturang babae kung kaya’t hindi natuloy ang pagpapakuha ng larawan.

Hindi naman napigilang maglabas ng kanilang saloobin ang mga netizen.

“Naku, simpleng selfie lang hindi pa napagbigyan, and in front of his supporters pa! Anong klaseng kandidato yan? Wala na ngang alam, wala pang charm!”komento ni @SheilaMarie809.

“the fact na this happened several times na. yuck, nandidiri sa tao,” komento ni @ohmnanonforleni. (Ansherina Jazul)

Leave A Reply

Your email address will not be published.