Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binasura ng network: Male personality binaboy ang ex

0 1,020

Minamarkahan ng publiko ang mga kilalang personalidad na kiss and tell. Sila ang mga personalidad na pagkatapos ng kanilang pakikipagrelasyon ay isinasambulat sa mundo ang mga baho ng dati nilang kapareha.

Hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin ang isang popular na female personality sa mga ginawa nitong paglalantad sa buong bayan ng mga kakuwanan ng mga dati nitong karelasyon.

Ang tanong, sino pa ang maglalakas-loob na makipagrelasyon sa kanya kung ganu’n naman na pagkatapos nitong mahalin ang isang lalaki ay kasunod agad ang pangwawasak, meron ba?

Babae ang personalidad, paano pa kung lalaki ang sangkot, meron pa kayang makipagrelasyon sa kanya kung lahat na lang ay isasambulat niya sa publiko pagkatapos ng kanilang relasyon?

Kuwento ng isang source, “Marami kasi siyang iniintindi ngayon. Naudlot ang career niya, matagal na niyang ilusyon ang maging sikat na artista!

“Kaso, nawala siya sa listahan ng mga personalities na ire-renew ng pinag-aplayan niyang network! Paano na ang ilusyon niyang sumikat? Kaya siya ganyan, ang galit niya sa mundo, e, idinadaan niya sa pambabastos sa ex niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Sa dating trabahong nilinyahan ng male personality ay hindi kagandahan ang kanyang dating. Maraming naaangasan sa kaya dahil hindi pa man natutupad ang kanyang mga pangarap ay super-yabang na siya.

Patuloy ng aming source, “Nangangarap pa lang siya nu’n, ha? Wala pang himalang nangyayari sa mga dreams niya! Pero napakaangas na niya!

“Napakasaya niya nu’ng mapansin siya ng isang network, akala niya, e, magtutuluy-tuloy na ang mga ilusyon niya, pero naudlot pa ‘yun! So, ano pa nga ba ang gagawin niya?

“E, di ang manira na lang ng mga taong nagtagumpay sa career nila? Ganu’n mismo ang ginagawa niya ngayon, ang sirain na lang ang name ng dating karelasyon niya!

“Ang laki-laki niyang tao, e, hindi pa rin siya makapag-move-on, natutulog siya sa nakaraan, masaya pa siyang nasisira ang name ng taong nagtiwala at nagmahal sa kanya!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Dingdong kontra gutom

Dalawang kamay na pagsaludo para kay Dingdong Dantes. Hindi lang basta may paninindigan ang aktor na ito, mapagmalasakit pa siya sa kanyang kapwa, kaya naman hindi siya pinagdadamutan ng mga biyaya ng kapalaran.

Sa panahong ito ng pandemya na laganap ang kahirapan, sa mga panahong ito na kinakapos na sa tiwala at pag-asa ang ating mga kababayan, ay gumawa siya ng hakbang para matulungan ang mga kasamahan niya sa industriya na nawalan ng trabaho.

Meron siyang mga partners sa itinatag niyang DonDong PH, dumaan sa training ang mga magtatrabaho sa kanila, partikular na sa disiplina sa kalye.

Dahil sa pandemya ay maraming kababayan natin ang umo-order na lang ng kanilang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw ay pagdedeliber ang lilinyahan ng mga binigyan ng pagkakataon ni Dingdong.

Maraming character actors o mga kontrabida sa pelikula at telebisyon ang kabilang ngayon sa grupo ng DingDong PH. Wala nga namang katiyakan kung kailan uli mag-uumpisa ang shooting at taping kaya habang naghihintay ang mga ito ay kailangang meron muna silang pagkaabalahan para kumita.

Napakagandang proyekto ang ginawa ni Dingdong, siya nga naman ay hindi na magugutom dahil napaghandaan niya na ang kinabukasan ng kanyang pamilya, pero paano ang mga kasamahan niyang walang katiyakan ang kabuhayan?

Hindi maramot sa oportunidad si Dingdong Dantes, palaging bahagi ng kanyang buhay ang mga taong nangangailangan, sa maliit niyang paraan ay maraming pamilya ang naiiwas niya sa pagkagutom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.