Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata binoga sa ulo

0 54

Isang binata na kabi­lang umano sa drug watch list ng pulisya ang namatay makaraang pag­babarilin sa ulo ng arma­dong kalalakihan malapit sa kanyang tirahan sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan kahapon ng ma­daling-araw.

Base sa report ng Bulacan PNP, nakilala ang biktimang si Regi­naldo Molina, 26-anyos, tubong Maynila at resi­dente ng Northville 4B, Brgy. Lambakin na nama­tay noon din sa pook ng krimen bunga ng tama ng bala sa ulo.

Hindi pa nakikilala ang armadong suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na alas-5:20 ng madaling-araw nang bigla umanong pag­babarilin ng hindi kilalang suspek si Molina sa kahabaan ng creek side sa kahabaan ng dike sakop ng Northville 4 at nang matiyak na napu­ruhan ang pakay ay tu­makas na ang salarin.

Kaagad rumesponde ang Marilao-PNP mata­pos i-report sa kanila ang insidente, at base sa beripikasyon ay kabilang ang biktima sa listahan ng drug personalities ng pulisya sa nasabing lugar. Hindi inaalis ang posibilidad na onsehan sa iligal na transaksiyon ang ugat ng pamamaril.

Lumitaw sa imbesti­gasyon na bago mapatay si Molina ay tumanggap ito ng sunod-sunod na death threat at kinum­pirma mismo ito ng ina ng biktima na sumugod sa crime scene. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.