Abante Tonite Interactive

Binata buking sa suot na nakaw

0 151

Binitbit sa kulungan ang isang 21-anyos na lalaki nang nakilala ng nagmamay-ari ang suot nitong tsinelas sa Imus City, Cavite.

Hindi naman na nakatanggi ang suspek na si Edmar Alberta, binata, ng Congbalay Binakayan, Kawit, Cavite dahil sa may pala­tandaan ang may-ari na si Christopher Son Cajigas, 26, ng Brgy. Medicuon 2-C Imus City.

Sa ulat ni PSSgt. Tristan Tamayo ng Imus City Police Station, alas-5:00 kamakalawa nang umaga nang nagbukas ng kanyang sari-sari store ang biktima subalit tumambad sa kanya ang mga kalat.

Nang mag-imbentaryo, nalaman nitong nawawala ang P7,000 kita ng tindahan, 15 ream ng sigarilyo at pares ng Havaianas niyang tsinelas.

Ngunit habang naglala­kad ito sa Brgy. Medicion alas-7:00 kamakalawa nang gabi, napansin nitong suot ng suspek ang kanyang tsinelas dahilan upang bitbitin ito sa barangay kung saan inamin nitong ninakaw ito sa biktima. (Gene Adsuara)