Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata dinakma sa `tulo’

0 99

Arestado ang isang binata makaraang magpatulo ng krudo mula sa nakaparadang trak ng isang rice mill sa Zone 3, Brgy. Calaocan, San Jose City, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni PLt. Col. Crizelda y De Guzman, ang naaresto ay si Mark Joseph Liyag Simon, 18-anyos, residente ng naturang lugar.

Alas-9:00 ng gabi, nabulilyaso si Simon habang nagpapatulo ng diesel mula sa trak na pag-aari ng Agri Rice Mill.
Umabot na umano sa 3 litro ng krudo na nagkakahalagang P132.00 ang nakukuha ng binata nang mabuking ito.

Dahil sa insidente’y kinasuhan ito ng pagnanakaw ni Krizza Mae Aglibo Valdez, 31, may-ari ng rice mill. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.