Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata ‘hinigop’ ng dagat

0 117

Patay ang isang binatang promodizer nang tangayin siya ng malalaking alon matapos makatuwaang mangisda sa tabing-dagat sa Lian, Batangas, kamakalawa ng hapon.

Batay sa report ng Lian police, kasama ang dalawang pinsan ay naglalambat ang biktimang si John Errico, 28-anyos, sa dalampasigan sa kanilang lugar sa Brgy. Binubusan, bandang alas-4:30, Sabado ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Subalit nang humampas ang isang malaking alon dulot ng hanging habagat, natangay papunta sa gitna ang binata.

Tuluyan nang nadala si Errico patungo sa gitna at malalim na bahagi ng dagat at nalunod.

Isinugod pa siya sa ospital matapos ma-rescue subalit idineklarang dead-on-arrival ng doktor. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.