Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata kalaboso sa binosohang bata

0 70

Swak sa kulungan ang isang binata nang silipan ang kapitbahay na 13-anyos na babae habang umiihi sa loob ng banyo sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, Huwebes ng gabi.

Agad naaresto ang suspek na si Jermenio Salita, 22, nina Corporal Mark Joseph Lambo at Staff Sergeant Gilbert Esmalla ng Novaliches Police Station 4.

Sa imbestigasyon ni Corporal Racquel Graneta, bandang alas-otso ng gabi nang maganap ang insidente sa banyo ng compound kung saan parehong nakatira ang suspek at ang biktima.

Related Posts

Ayon umano sa ama ng biktima, pumasok ang kanyang anak sa banyo upang umihi nang makita niya ang suspek na naninilip mula itaas ng pader kaya agad itong nagsisigaw sa takot.

Narinig ng ama ang tumitiling anak kaya lumabas at inabutan ang suspek malapit sa banyo.

Isinumbong ng tatay ng biktima ang paninilip ng suspek sa kanyang menor de edad na anak at ipinaaresto ang binata. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.