Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata kalaboso sa inabusong bata

0 82

Swak sa kulungan ang isang binata na wanted sa kasong child abuse matapos maispatan ng mga pulis sa kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa.

Hindi na nakaporma pa sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at ng Sub-Station 4 ang suspek na si Victorino Duyag, 29, taga-Area 3, Kaunlaran Village ng nasabing siyudad, nang posasan ng pulisya.

Sa rekord ng pulisya, may nakabinbing kasong Special Protection of Children Exploitation at Discrimination Act (child abuse law) I in Relation to R.A. 7610 si Duyag na kanyang nagawa sa kanilang lugar mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Hindi na ito dumalo sa mga pagdinig sa kaso hanggang sa maisyuhan ni Hon. Teresa De Guzman, Presiding Judge ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 131 ng arrest warrant.

Alas-2:05 ng hapon, may nag-tip sa mga pulis na nakita sa kanilang bahay ang suspek kaya pinuntahan siya ng mga pulis at inaresto. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.