Abante Tonite Interactive

Binata kalaboso sa pamboboso

506

Kulungan ang bagsak ng isang 21-anyos na binata na nahuling namboboso sa isang babaeng may asawa na sa kanilang lugar sa Calamba City, Laguna, Linggo ng madaling-araw.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Anthony Buringgot Holar, van helper at residente ng Brgy. Mapagong, Calamba City, nang dakmain ito ng mister ng babaeng kanyang sinisilipan.

Batay sa ulat ng Calamba City Police, napansin ng 27-anyos na si Maryjoe Haban Galang na may anino sa likod ng kanilang bintana at amoy usok ng sigarilyo sa kanilang kuwarto habang nagpapalit siya ng damit.

Nang masigurong may tao, sinenyasan niya ang kanyang mister na si Joe Galang na agad namang lumabas at umikot sa likuran ng kanilang bahay.
Tinangkang tumakbo ng suspek pero naabutan ito ng mister.

Dinala ng mag-asawa sa police station ang suspek at kinasuhan ng unjust vexation. (Ronilo Dagos)