Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata kinapos sa pera, sarili ginilitan

0 173

Kung hindi naging maagap sa pagsaklolo ang pinsan, pinaglalamayan na ngayon ang isang binata, makaraang gilitan nito ang sariling leeg dahil sa problema sa pera, Miyerkules ng hatinggabi sa Malabon City.

Ginagamot sa Jose Reyes Medical Center si Rommel, 38, taga-Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod, dahil sa sugat sa leeg.

Ayon kay P/Ssg. Ernie Baroy, ng Station Investigation Unit (SIU) ng Malabon Police, alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay nina Rommel.

Nagising daw si Edwardo, pinsan ng biktima, at nagtungo sa kusina para uminom nang makita nito ang pinsan na may hawak na kutsilyo sabay gilit sa leeg nito.

“Buti mabilis na nakasaklolo yung pinsan kasi kung walang nakakita at ‘di napigilan malamang pinaglalamayan na,” ani Pssg.Baroy.

Nitong mga nagdaang araw lagi daw walang kibo si Rommel at problemado sa pera dahil walang pinagkakakitaan dulot ng pandemya sa COVID-19 na sinabayan pa ng suliranin sa pamilya. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.