Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata lumaklak ng lason

0 180

NANG dahil sa depresyon, nagpakamatay ang isang lalaki sa loob ng isang cottage matapos uminom ng lason sa Dagupan City, Pangasinan noong Huwebes ng hapon.

Sa report ng Dagupan City Police Station (DCPS), naganap ang pagsu-suicide ng 23-anyos na biktima dakong alas-4:30 ng hapon sa cottage ng isang beach resort.

Sinabi ng pulisya na bago ang insidente, nag-check-in umano ang biktima sa isang cottage, na ayon sa mga kamag-anak nito ay dumaranas ng depresyon.

Ilang oras ang nakalipas, natagpuan na ang biktima sa loob ng inupahang kuwarto na bulagta at bumubula ang bibig.

Ang biktima ay napag-alamang uminom ng isang bote ng pesticide na “malathion”.

Agad itong isinugod sa ospital ngunit dineklara nang dead-on-arrival. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.