Abante Tonite Interactive

Binata na si Totoy

643

Julius Segovia

julius-segoviaTotoy ang nakagisnan kong tawag sa aking mga kaanak at kapitbahay ko sa Cavite. Ako lang kasi ang bata noon sa aming compound.

Kumbaga, ako ang nag-iisa nilang baby. Pero habang lumalaki, naiilang na ako sa tawag na totoy lalo na nang ako’y nagpatuli – dahil si totoy, isa nang ganap na binata.

Sigurado akong pila-pila na naman ang mga batang nasa edad sampu hanggang labindalawa sa mga operation tuli. Ngayong bakasyon ang tamang oras.

Sabi ng mga eksperto, ‘summer is the ideal time to get circumcised’. Aabutin kasi nang hanggang dalawang linggo bago maghilom ang sugat. Kaya swak na swak ito sa haba ng summer break.

Ano nga ba ang tuli o ‘circumcision’ sa Ingles?

Base sa mga pananaliksik, ‘this is one of the oldest and most common surgical procedures worldwide’. Ginagawa raw ito sa mga lalaki hindi lang dahil nakagisnan kundi dahil sa maraming dahilan: religious, cultural, social at medical.

Isa itong ritual obligation para sa Jewish­ boys, ayon sa Bibliya. Isang common rite din ito ng mga kapatid nating Muslim na may naitalang pinakamalaking bilang ng tinuling lalaki sa buong mundo.

Dito sa atin, sign of manliness ang pagpapatuli. Macho ka kapag sinabing tuli ka na. Kaya ang mga bata, nagpapaligsahan kung sino ang mauuna sa kanilang magkakaibigan.

Sa isang pag-aaral ng New England Journal of Medicine, lumalabas na 93% ng mga Pilipinong lalaki ang tuli – 42% ang ginawa ito bago sila mag-edad sampu, 52% naman ang nagpa­tuli noong nasa edad sila ng 10 hanggang 14.

Pero ang pagpapatuli, hindi pa rin pala kinikilala ng maraming bansa. Kung dito sa Pilipinas, tutuksuhin kang supot ng kapwa-bata mo kapag umabot na nang highschool at hindi ka pa tuli. Sa Europa naman, ikaw raw ang tampulan ng tukso kapag nalamang nagpa-circumcise ka.

Bukod sa pagiging bahagi ng kulturang Pilipino ang pagpapatuli, mahalaga ito sa personal hygiene at health care ng isang lalaki.

Ang mga lalaking tuli, mababa raw ang tsansang magkaroon ng urinary track infections, na kapag luma­la ay posibleng magdulot ng kidney problems. Lower risk din na magka-sexually transmitted infections gaya ng HIV ang mga lalaking tuli. Less common din ang penile cancer sa mga nagpatuli.

With the advent of technology, makabago na ang proseso ng tuli. Pero posibleng may nagtutuli pa rin gamit ang labaha o razor at ma­lamang na ‘in’ pa rin ang tradisyunal na ‘pukpok’ sa mga malalayong probinsiya.

Paalala ng mga espesyalista – mas epekti­bo pa ring ipagawa ito sa mga kuwalipikadong doktor.

Ang sa akin lang, mas mabuti nang magpatuli sa eksperto. Huwag ipagkibit-balikat ang kalusugan sa mga ganitong uri ng operasyon.