Abante Tonite Interactive

Binata nakuryente sa paghuli ng panlabang gagamba

221

Patay na nang matagpuan ang isang 19-anyos na lalaki matapos umano itong makuryente habang nangunguwa ng panlabang gagamba sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Nakasabit ang kaliwang binti sa may kuryenteng bakod nang matagpuan ang bangkay ni Arjie Nalzaro Emotin, binata, taga-Purok Masadlakon, Baranga y Tomitom ng nabatid na bayan alas-sais nang gabi nitong Miyerkoles.

Sa ulat na ipinadala ng Police Regional Office (PRO) 9, Hulyo 15 nang gabi nang magpaalam ang biktima sa kanyang tatay na mangunguha lang ng gagambang panlaban su­balit hindi na ito nakabalik pa ng bahay.

Hanggang sa matagpuan ang bangkay nito kung saan base sa post mortem examination sa bangkay ng biktima, kur­yente ang ikinamaty nito.

Teorya ng pulisya posibleng habang nangunguha ng gagamba ay aksidenteng nadikit ang kanyang binti sa kawad ng kuryente na siya niyang ikinamatay. (Edwin Balasa)