Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata nilamon ng apoy

0 102

Nasawi ang isang 42-anyos na maintenance personnel ng SVD Catholic Trade matapos ma-trap sa sunog na nagtagal lang ng 18 minuto kahapon ng madaling-araw sa compound sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni arson investigator SFO3 Edilberto Cruz, ng San Lazaro Fire Station, ang biktimang si Sonny Globio, binata, stay-in sa No. 1916 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, alas-2:48 ng madaling araw nang magsimula ang apoy na idineklarang 1st alarm alas-2:50 ng madaling araw at alas-3:06 ng madaling-araw nang ma-fire out.

Hindi umano nakalabas ang biktima sa kanyang kuwarto dahilan para ma-suffocate ito.

Inaalam rin ang sanhi ng sunog sa compound na pag-aari ng nasabing catholic group. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.