Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata niligpit sa iskinita, 1 sapul ng ligaw na bala

0 53

Patay ang isang lalaki habang inooperahan sa hita ang isang 18-anyos na binata na nadamay tamaan ng ligaw na bala matapos barilin ng mga di nakikilalang suspek kahapon sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Mary Johnston Hospital si Ace Aldrin Atienza De Guzman, 22, habang sapol ng ligaw na bala sa kanang hita si Mac Sherwin V. Crucillo, 18, kapwa taga-Tondo.

Sa imbestigasyon ni P/SMS Jorlan Taluban, ng Manila Police District-homicide section, alas-6:50 ng umaga nang maganap ang krimen sa Pearl St., sa Tondo.

Naglalakad si Atienza nang pagsapit sa isang eskinita ay lumitaw ang suspek at pinagbabaril ang biktima bago mabilis na tumakas.

Nasa lugar naman si Crucillo at minalas na mahagip ng ligaw na bala.

Tinitingnang anggulo ng pulisya sa motibo ng krimen ang gang war. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.