Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata pinatagay bago pinatay

0 213

Pinatagay muna bago pinatay sa saksak ang isang binata ng construction worker na nag-imbitang mag-inuman sa kanyang tahanan sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Ang biktima na si Richard Espanto, 24, installer, binata at taga-Narra St., Barangay Payatas B, QC ay namatay noon din sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na si Jeffrey Limpin, 28, binata, taga-68 Evergreen Street, Barangay Payatas B, QC.
Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi (Aug. 16) sa may 68 Evergreen Street, Barangay Payatas B.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PCpl Rodney D Bay-os ng CIDU, inimbitahan umano ng suspek ang biktima na mag-inuman sa kanilang tahanan kasama ang isang Arnold Montoya.

Saglit umanong umuwi si Montoya para tingnan ang asawa subalit pagbalik ay nakasalubong ang nagmomotorsiklong suspek at nadatnan na rin sa kanilang inuman ang duguang biktima.

Masusi ngayong sinisiyasat ang motibo sa krimen. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.