Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata selfie muna bago nagbigti

0 160

Bago wakasan ang kaniyang buhay, nag-selfie muna umano ang isang binata saka nagbigti sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-5:00 ng hapon (Sept. 13) nang madiskubre ang pagpapakamatay ng 32-anyos na binata, construction worker, sa loob ng kaniyang tahanan sa San Bartolome, Novaliches, QC.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Rodney Bay-os, nagtungo umano ang saksing si Reynaldo sa tahanan ng biktima upang tanungin kung tapos na ang pinapagawa nitong cabinet.

Dahil walang sumasagot ay pumasok ito sa loob at mabungarang nakabigti sa hagdan ang biktima gamit ang telephone cord.

Isinugod pa ang biktima sa Novaliches District Hospital ngunit dineklarang dead on arrival.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre mula sa cellphone ng biktima na kinunan pa nito ang ginawang paghahanda sa isasagawang pagbibigti.

Nakita pa ang isang mensahe sa social media na nagpapaalam ang binata sa kaniyang nobya kalakip ang isang litrato o “selfie” nito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.