Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata sinakyod ng tiyuhin

0 113

Malubhang nasugatan ang isang lalaki sa Quezon City nitong Linggo ng umaga makaraang dalawang ulit na saksakin ng kanyang tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat.

Ang biktima ay nakilalang si Ritchie Galantao, 24, binata, at residente ng Castro Compound, Nitang Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Agad namang nadakip nina P/Cpl. John Edel Nolasco at Pat. Ernest John Collado ng Novaliches Police Station 4 ng QCPD ang suspek na tiyuhin na si Raymund Limsiaco, 40, may asawa, driver, tubong Negros Occidental at naninirahan sa Golden HOA, Castro Compound.

Sa report, naaresto ang suspek alas-10:00 kahapon ng umaga sa Castro Compound, Nitang Avenue, Brgy. Gulod.

Batay sa imbestigasyon, bumisita umano ang suspek sa bahay ni Galantao na pag-aari ng kanyang tiyahin subalit biglang naungkat ang matagal na nilang alitan.

SM food to go Banner Ad

Habang nasa kalagitnaan ng pagtatalo ang dalawa ay kumuha umano ng kutsilyo ang suspek at sinaksak nang dalawang ulit ang biktima sa kaliwang balikat at tiyan.

Bagama’t duguan ay nakatakbo pang palabas ang biktima at humingi ng saklolo sa mga awtoridad dahilan upang maaresto ang suspek.

Dinala naman sa Novaliches District Hospital ang binata upang bigyan ng karampatang lunas.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong attempted homicide laban sa kanya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.