Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata tigok sa 1 suntok

0 64

Isang nakamamatay na suntok ang tinamo at ikinasawi ng isang binata sa awayang nangyari, nitong Sabado ng gabi sa Brgy. Sta Lucia Old, Zaragoza, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PMajor Jaime Ferrer sa tanggapan ni Mayor Efren Nieves, nakilala ang biktima na si Joseph Dasig Gabriel, 34, residente ng naturang barangay.

Alas-7:15 ng gabi nang sumugod si Gabriel, na armado ng pala, sa kalugar na si Jayson Villanueva, 26, binata, residente rin ng Brgy Sta Lucia Old, Zaragoza.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama pa umano ni Gabriel ang kabarangay na sina Dominador Ibay at Andy Tamundong, nang maghamon ng suntukan kay Villanueva na agaran namang kumasa.

Gayunman, sa suntukan ay napuruhan sa panga si Gabriel. Na-comatose ito at dead on arrival na sa

PJGMRMC Hospital sa Cabanatuan City.

Naaresto naman at kinasuhan ng homicide ang salarin. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.