Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata tiklo sa tindang shabu

0 1,022

Arestado ang 20-anyos na lalaki matapos mahulihan ng 5- gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P36,000 sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Barangka Drive, Mandaluyong City Biyernes ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na si Jeric Gabriola. Nakipagtransaksyon umano ito sa isang pulis na umaktong buyer ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kaso. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.