Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata tinadtad ng katagay

0 72

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang binatang mangingisda matapos itong tadtarin ng saksak at taga ng kainuman sa Atimonan, Quezon.

Laking gulat ng mga residente nang matagpuan noong Huwebes ng umaga ang bangkay ng biktimang si Guillermo Cepe Mora, 39, na halos wala ng suot na damit at naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tama ng taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan na nakabulagta sa dalampasigan ng Barangay Villa Ilaya sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, Miyerkules ng maaghahating-gabi nang mag-inuman ang biktima at suspek na si Vevencio Aurellana Barreno, 35, chainsaw operator, sa bahay ng huli.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil sa kalasingan, nagkainitan ang dalawa hanggang sa kumuha ng itak ang suspek at araruhin ng taga at saksak ang biktima.

Hidi pa nasiyahan, kinaladkad pa nito palabas ang biktima at muling pinagtataga sa dalampasigan.

Tumakas din ang suspek at pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.