Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binata tinumba sa harap ng haybol

0 54

Pinagbabaril hanggang mapatay ang isang binate habang nakatambay sa harap ng kanilang tahanan sa Sitio Militar, Barangay Bahay Toro, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Joseph Placides, 25-anyos, habang nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Wilson Tabungar, nasa hustong gulang at residente rin sa Sitio Militar.

Sa ulat ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District, bandang alas-otso ng gabi nang mangyari ang pamamaril.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Corporal Nido Gevero Jr., may-hawak ng kaso, nakaupo si Placides sa labas ng kanilang bahay nang sumulpot ang suspek at bigla na lamang nitong pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Naisugod pa sa Quezon City General Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ni Dr. Kris Abiqui.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril sa biktima habang tinutugis na rin ang suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.